Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:16 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna at Rizal.

Maaapektuhan din ang Tagkawayan, General Nakar, Calauag, Guinayangan, Macalelon, Pitogo, Gumaca at Real sa Quezon

Uulanin din ang Quezon City sa Metro Manila; maging ang Nasugbu, Calaca at Lemery sa Batangas.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...