Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), maaring mabili na lamang ang tickets gamit ang vending machines.
Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cabrera, dalawang linggo na itong ipinatutupad sa LRT-2.
Ang mga ticket sellers sa istasyon ay hindi naman aniya mawawalan ng trabaho.
Sa halip ay itinalaga naman sila para mag-assist sa mga pasahero sa pagbili ng ticket sa vending machines.
Ang mga first-time users ng vending machines ang kanilang tutulungan.
Ang mga single-journey ticket ay regular ding isinasailalim sa disinfection bago ibalik sa circulation ayon kay Cabrera.
MOST READ
LATEST STORIES