Mga komunista walang pinagkaiba sa mga terorista – Pang. Duterte

Terorista ang mga communist rebel sa bansa.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pirmahan ang Anti-Terror Law na mariing tinutulan ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Pangulong Duterte, humihirit ang mga ‘bagong tubo’ na miyembro ng komunistang grupo na tratuhin sila ng kakaiba gayung kung tutuusin ay wala naman silang pinagkaiba sa mga terorista.

Iginiit pa ng pangulo na alam niya ang likaw ng bituka ng komunistang grupo dahil ilang taon din niyang nakasama ang mga ito noong panahon ng kanyang kabataan.

Sinabi pa ng pangulo na walang dapat na ikabahala ang publiko sa bagong batas dahil may sapat na safeguards ito para hindi maabuso ninuman.

Ang mga terorista lamang aniya ang dapat na matakot dahil tiyak na may paglalagyan na sila.

 

Read more...