Ayon kay Cayetano, dahil gusto ng Presidente na malapit sa mga tao, mas gusto nito na magtalumpati sa Batasan.
Pero ikinukunsidera rin anya nila ang usapin ng seguridad at kalusugan.
Sa panig ng Kamara, wala daw silang balak na punuin ang Batasan kaya malamang na madagdagan lang ang 50 bilang ngayon ng kadalasang nasa loob ng session hall habang ang ibang miyembro ay lalahok sa pamamagitan ng video conference.
Paliwanag ng speaker, kahit pa official function at importanteng okasyon ang SONA, gusto pa rin nilang maging magandang halimbawa sa mga tao kaya hindi nila lalabagin ang panuntunan sa public gathering.
Aniya mag-aadjust sila sa kung anong komportable sa Malakanyang.