Sa kaniyang pahayag sinabi ni Belmonte na positibo ang resulta ng pinakahuli niyang test.
Sinabi ng alkalde na maayos naman ang kaniyang kondisyon at walang nararamdamang sintomas.
Nagsimula na ng contact tracing ang QC Epidemiology and Surveillance Unit para sa mga nakasalamuha ng alkalde.
Pansamantala munang isasara ang office of the mayor sa QC para sumailalim sa disinfection.
Ani Belmonte, sa kabila ng kaniyang matinding pag-iingat ay tinamaan pa rin siya ng sakit.
Nawa ay magsilbi aniya itong paalala sa publiko na talagang kakaiba ang COVID-19 at kailangang pag-ingatan ng lubusan.
MOST READ
LATEST STORIES