ERC nakatanggap na ng 50,000 reklamo laban sa Meralco

Umabot na sa 50,000 consumer complaints ang natanggap ng Energy Regulatory Commission (ERC) na karamihan ay dahil sa napakataas na bayarin sa kuryente.

Ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera, 80 percent sa 50,000 consumer complaints ay dahil sa mataas na power bill.

Kasabay nito hiniling ni Devanadera ang pang-unawa ng publiko dahil hindi mabilis na nakatutugon ang ERC sa dami ng mga reklamo.

Tiniyak ng ERC na bubusisiin ang lahat ng mga reklamo at hihingin ang kasaguan dito ng Meralco.

 

 

Read more...