Manila Health Dept. nagsagawa ng rapid testing sa mga nasa Manila Boystown Complex

Nagsagawa ng rapid testing para sa mga narescue na indibidwal sa Manila Boystown Complex ang mga kawani ng Manila Health Department (MHD).

Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan, umabot sa 100 ang kanilang naisailalim sa test kahapon, araw ng Martes, July 7.

Target ng MHD na isailalim ang humigit kumulang na 672 na indibidwal sa rapid testing.

Ang testing ay isinagawa upang tiyaking ligtas ang mga na-rescue ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) at Manila Police District (MPD) sa sakit na COVID-19.

Itutuloy ngayong araw ang rapid test.

Ang mga magpopositibo sa rapid test ay agad dadalhin sa quarantine facility upang sumailalim sa swab test.

 

 

Read more...