Simula ngayong araw, July 8 ay alas 5:00 na ang unang biyahe ng bus ula sa North Avenue at Quezon Avenue stations.
Mas maaga ito ng 30-minuto kumpara sa alas 5:30 na dating unang alis ng bus.
Ang temporary shutdown ng MRT-3 ay ipinatupad upang bigyang-daan ang malawakang RT-PCR (swab) testing sa lahat ng mga empleyado nito.
Kasama sa isasailalim sa test ang mga empleyado ng maintenance provider at subcontractors upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES