P6.8M na halaga ng shabu nakumpiska sa Bulacan

Arestado ang dalawang dayuhan at isang Pinoy sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Bulacan.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Carreon, tinatayang aabot sa P6.8 million ang nakumpiskang ilegal na droga sa mga suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhicheng Lu at Feiyue Shi – kapwa Chinese nationals at ang Pinoy na si Elgine Monzaga.

Nadakip sila ng mga tauhan ng PDEA National Capital Region at PDEA Bulacan provincial office sa Barangay Caysio sa bayan ng Sta. Maria alas 11:50 nga gabi ng Martes(July 7).

Nakuha din sa mga suspek ang cellphone, passport at sasakyan na kanilang ginamit.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa tatlo.

 

 

Read more...