Redemption office ng MMDA sarado muna

Suspendido muna ang lahat ng transaksyon sa MMDA Redemption Office simula ngayong araw July 8, hanggang July 10, 2020.

Ito ay para makapagsagawa ng disinfection.

Lahat ng opisina sa MMDA headquarters sa Makati City ay sasailalim sa disinfection hanggang sa Linggo.

Ayon kay MMDA general manager Danilo Lim, bahagi ito ng security measures na ipinapatupad para masiguro ang kaligtasan ng mga tauhan ng MMDA at lahat ng nakikipagtransaksyon sa ahensya.

Sa Lunes, July 13 ay muling magre-resume ang regular na operasyon ng MMDA.

 

 

 

Read more...