Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muli pang bumaba ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.30 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules, July 8 mas mababa ito sa antas nito kahapon na 187.49 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.19 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.58 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.62 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.44 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque dam.

 

 

 

Read more...