Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 350 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 10,854 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,802 ang aktibong kaso, 3,642 ang gumaling na at mayroong 410 na nasawi.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,015 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,684
Mandaue City – 1,099
Lapu-Lapu City – 970
Negros Oriental – 43
Bohol – 43
Siquior – 0
MOST READ
LATEST STORIES