Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte malalagay sa alanganin ang bansa kapag pinayagan ang full reopening ng ekonomiya.
Kailangan aniyang maging maingat hinggil dito at magdahan-dahan lamang.
Sa ngayon sinabi ng pangulo na dapat manageable pa rin ang bilang ng mga taong papayagang lumabas ng bahay para magtrabaho.
Kung tuluyan aniyang papayagan na ang pagbubukas ng bansa, hindi malabo ang pagkakaroon ng dagdag na libu-libong COVID-19 infections.
Mas malaking problema aniya ito lalo pa at wala nang pera ang bansa.
Sa ngayon, tanging ang Cebu City na lamang ang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
General community quarantine naman at modified community quarantine ang umiiral sa iba pang bahagi ng bansa.