Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 444 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, July 7, 3PM), nakapagtala ng 24 na bagong kaso kaya umabot na sa 417 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 63
San Pedro (BJMP) – 53
Biñan (Larger Community) – 120
Biñan (PNP Custodial Facility) – 1
Biñan (BJMP) – 11
Santa Rosa – 78
Calamba – 33
Los Baños – 7
Cabuyao – 33
San Pablo – 6
Santa Cruz – 2
Bay – 7
Calauan – 15
Alaminos – 5
Victoria – 2
Nagcarlan – 2
Liliw – 1
Majayjay – 1
Paete – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay 63.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 584.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,091.

Samantala, nasa 2,496 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

Read more...