Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 514

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, July 6) , nadagdagan ng 11 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 514 habang 394 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 95.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,003.

 

 

 

Read more...