Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 398

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Martes, July 7) pumalo na sa 398 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan walo ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 131 ang active cases kung saan dalawa ang nadagdag.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Nasa 235 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan anim ang bagong nadagdag.

Read more...