Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (July 7, 3:00 PM) nakapagtala ng 85 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,175 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 766
Laguna – 1,052
Batangas – 374
Rizal – 799
Quezon – 184
Nasa 1,483 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 29 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 258
Laguna – 507
Batangas – 212
Rizal – 372
Quezon – 134
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng isa kaya ito ay umabot na sa 215.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 46
Laguna – 49
Batangas – 32
Rizal – 77
Quezon – 11
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay