Ayon kay Salceda, patuloy nilang pinag-aaralan ang pondong gugugulin para sa testing at tracing data gayundin ang monitoring ng pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases.
Nakahanda rin aniya ang Mababang Kapulungan na tumanggap ng mga proposals mula sa Ehekutibo para maitaas ang daily testing rates ng bansa na nasa 10% positive rate.
Inirekomenda din ng mambabatas kay Testing, Tracing, and Treatment Chief, Secretary Vince Dizon na magbukas agad ng mass testing sites sa NCR, CALABARZON, Central Luzon, Metro Cebu, at Metro Davao.
Kasama din sa sinusuri ng mambabatas ang pagpapalawig sa capacity ng mga treatment centers para sa COVID-19.
Paliwanag nito, ang paghahanda sa mga ospital at treatment centers sakaling tumaas pa ang COVID-19 cases ay susi din para sa pagpapanatili ng kumpyansa mula sa mga consumers at mga negosyo.