Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, pinuno ng komite natapos na nila ang pagtalakay sa mga isyu na ipinupukol sa network.
Dahil dito, sabi ni Alvarez summation na lamang ang gagawin nila sa Huwebes ganap na ala 1:00 ng hapon.
Dito, ilalahad ang buod ng mga lumabas sa nakalipas na mga pagdinig.
Maari ayon sa mambabatas na magbotohan na rin sila sa Huwebes kung madaling matatapos ang proseso.
Kapag nakakuha ng paborableng pasya ang ABS-CBN sa komite iaakyat ito sa plenaryo para sa second reading pero kapag ibinasura ang hiling nito na prangkisa hindi na ito aabot pa sa ikalawang pagbasa.
MOST READ
LATEST STORIES