Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 3,090

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (July 6, 3:00 PM) nakapagtala ng 71 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,090 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 740
Laguna – 1,012
Batangas – 362
Rizal – 793
Quezon – 183

Nasa 1,454 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 6 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 257
Laguna – 494
Batangas – 200
Rizal – 372
Quezon – 131

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng isa kaya ito ay umabot na sa 214.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 46
Laguna – 48
Batangas – 32
Rizal – 77
Quezon – 11

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...