Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 390

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00, Lunes ng hapon, July 6) pumalo na sa 390 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 129 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 32.

Nasa 229 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...