“Our dorm is open for health workers, medical practitioners, and other frontliners involved in offering essential services amid the COVID-19 crisis,” ang anunsiyo ni Robredo sa Facebook.
Matatagpuan ang dormitoryo sa Banilad malapit sa Cebu North General Hospital.
Ang proyekto ay isinagawa ng Office of the Vice President sa pakikipagtulungan ng Angat Buhay, bilang bahagi ng kanilang COVID-19 response operations.
Dahil limitado ang maaring makatuloy sa dormitory, ipinatutupad ang ‘first come, first served’ basis.
Magsisilbing pansamantalang tuluyan ng medical workers at iba pang frontliners ang dormitory kasabay ng pagsuspinde ng pampublikong transportasyon dahil sa umiiral na lockdown sa Cebu City.