COVID-19 survivor Sen. Sonny Angara hinimok ang blood plasma donation

Pinakiusapan ni Senator Sonny Angara ang mga kapwa niya COVID-19 survivors na ikunsidera ang pagbibigay ng kanilang blood plasma para makasagip ng buhay ng mga may taglay ng nakamamatay na sakit.

Ibinahagi ni Angara na marami na ang nakikinabang sa convalescent plasma therapy at sila ay naka-recover sa nakamamatay na sakit.

Nakikipagtulungan ang tanggapan ng senador sa grupong Talking Myna at nailunsad na ang website na plasmangpagasa.com, kung saan ang mga survivor-donor ay maaring magpa-rehistro at pumili ng ospital na pagbibigyan nila ng kanilang blood plasma.

Ayon sa senador ang maaring maging donor ay ang mga tinamaan ng COVID 19 na dalawang linggo ng nakaka-recover.

“Individuals must have complete resolution of symptoms for at least 28 days before they donate, or alternatively have no symptoms for at least 14 days prior to donation and have a negative lab test for active COVID-19 disease,” aniya.

Pagtitiyak pa ni Angara na ang lahat ng personal information ng donor ay mananatiling confidential.

Sa ngayon ang plasmangpagasa.com ay partner group na ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines and the St. Luke’s Medical Center (BGC and QC).

“We are looking to expand the network of collecting hospitals in plasmangpagasa.com, including those outside of Metro Manila so that it will be easier for our potential donors to connect with these institutions wherever they are in the country,” sabi pa ni Angara.

 

 

Read more...