Ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 12:24 ng tanghali, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Zambales, Bataan, Quezon, Cavite, Laguna at Batangas sa susunod na mga oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

Read more...