I-ACT nag-inspeksyon sa mga bumibiyaheng jeep

Nagsagawa ng inspeksyon ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga bumibiyaheng tradisyunal na jeep.

Ito ay upang suriin at tiyakin ang pagsunod ng mga ito sa mga pamantayang itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbalik operasyon ng mga tradisyunal jeepney.

Kabilang sa tinitiyak ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols gaya ng social distancing practice, pagsusuot ng facemask ng driver at pasahero.

Tiningnan din kung ang mga unit na pumapasada ay pumasa sa standard ng road worthiness.

Ininspeksyon ng mga tauhan ng I-ACT ang mga bahagi ng mga unit, kabilang ang mga gulong, headlight, tail light, preno, atbp. upang matiyak kung handa ang mga ito na pumasada sa kalsada ng ligtas.

 

 

Read more...