Ilocos Sur Gov. Ryan Singson pinaiimbestigahan sa NBI ang pagkamatay ng 15-anyos na dalagita

Hiniling ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson sa National Bureau of Investigation to investigate (NBI) na pangunahan ang imbestigasyon sa kasong pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa bayan ng San Juan sa nasabing lalawigan.

Kawpwa ipinagharap na ng reklamong murder ang dalawang pulis na sina Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda na kapwa naka-assign sa San Juan Municipal Police Station.

Sinabi ni Singson nais niyang magkaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso.

Tiniyak din nito sa pamilya ng biktima na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng dalagita.

Nasa ilalim na ng restrictive custody ng Philippine National Police regional headquarters ang dalawang pulis.

Sasampahan din sila ng reklamong rape sa sandaling lumabas na ang resulta ng medico-legal examination sa bikitma at kaniyang pinsan.

 

 

Read more...