Anti-Terrorism Law maari pa ring maabuso kahit may pagtitiyak na ang mga otoridad

Hindi kumbinsido si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaabuso ang implementayson ng Anti-Terrorism Act of 2020 kahit may pagtitiyak na rito ang mga otoridad.

Ayon kay Lagman, mismong ang batas ay umaabuso at mapanira sa karapatang-pantao, civil liberties at sa lahat ng uri ng kalayaan.

Ang mapaniil aniya na mga probisyon ng batas ang magbibigay-kumpiyansa sa law enforcers na gawin ang mabagsik na kautusan laban sa mga ordinaryong mamamayan, mga aktibista at mga kontra sa gobyerno na ikinukunsiderang mga kaaway ng estado.

Iginiit ng kongresista na kailangang malinis ang bagong anti-terrorism law sa mga kahinaan nito imbes na pakinggan lang ang sinasabi ng mga magpapatupad ng batas.

Sabi ng mambabatas, dapat dumaan ito sa masusing pagrepaso ng Korte Suprema para maalis ang mga mapang-api at unconstitutional na mga probisyon.

 

 

 

 

Read more...