Global death toll sa COVID-19 mahigit 536,000 na

Sumampa na sa mahigit 536,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 536,776 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 132,569.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 64,900
UK – 44,220
Italy – 34,861
Mexico – 30,639
France – 29,893
Spain – 28,385
India – 19,700
Iran – 11,571

Naungusan na ng Mexico ang France sa dami ng bilang ng mga nasawi.

Sumampa naman na sa mahigit 6.15 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.4 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...