PECO pinagbabayad ng overbilling sa mga consumer

Sa halip na gumastos sa lawyer’s fee at publicity para mahabol ang kinanselang legislative franchise at mabawi ang tinanggal na operation permit na ‘di umano ay umabot na sa P300 milyon, hinimok ng isang opisyal ng Iloilo City na mainam na bayaran na lamang ng Panay Electric Company(PECO) ang overbilling nito sa kanilang mga consumers.

Ayon kay dating Iloilo Councilor Joshua Alim malaki pa ang pagkakautang ng PECO sa may 60,000 consumers ng Iloilo dahil sa overbilling sa monthly electricity consumption na umaabot ng halos 1,000 porsiyento.

“PECO should stop wasting its cash on huge lawyers’ fees in trying to stop the new distribution utility from operating and instead save its cash for the payment of the remaining amount of unrefunded overbilling” paliwanag ni Alim na nanguna sa mga opisyal ng Iloilo City na nagpaabot sa Kongreso ng pagtutol na marenew ang prangkisa ng PECO dahil sa palpak na serbisyo nito sa loob ng ilang dekada.

Sinabi ni Alim na dalawa ang overbilling case na kinahaharap ng PECO, ang una ay P1B na dapat nitong ibalik sa mga consumers resulta ng “over recovery” sa binili nitong kuryente mula sa generation company na Panay Power Corp noong 2009, ani Alin, nagkaroon ng compromise agreement sa nasabing kaso kaya nasa P630M na lamang ang iniutos ng Energy Regulatory Commission(ERC) na irefund sa mga consumers.

Ang ikalawang overbilling case ng PECO ay ang nadiskubreng anomalya ng House Committee on Legislative Franchises sa gitna ng isinasagawa nitong pagdinig, batay sa mga ebidensyang nakalap ay nagkaroon ng mga erroneus meter reading ang PECO dahil sa kanilang sira sira nang mga electric meter at lumobo ang bilang ng mga gumagamit ng jumper o illegal power connecctions na nagresulta ng pagtaas sa singil sa kuryente sa kanilang mga consumers.

Tinukoy ni Alim ang naging technical study ng MIESCOR Logistics Inc noong 2019 na nagsasabing may 30,000 illegal power connections sa Iloilo City na mas mataas pa ang nakukunsumong kuryente kaysa sa mga lehitmong consumer kaya umabot sa 9.3 porsiyento ang systems loss.

“This is very bad because not only were we paying for the high consumption from illegal power connections but were also overbilled by as much as 1,000 percent,” pahayag ni Alim kung saan inamin nito na ang isyu sa overbilling ng PECO ang syang pangunahing dahilan kung bakit umayaw ang mga Ilonggo sa serbisyo nito at nanawagan sa Kongreso na huwag nang irenew ang kanilang prangkisa.

“We Ilonggos still oppose PECO returning to operating the electricity distribution system in Iloilo City. The fact that it would rather pay its lawyers and PR consultants huge fees than pay consumers back shows its attitude towards consumers, remains bad,” giit pa nito.

Samantala ipinagtanggol din ni Alim ang More Electric and Power Corp (More Power) sa bintang na lumala ang brownout mula nang itakeover nito ang power distribution sa Iloilo, giit ni Alim, ang nararanasang brownout ay resulta ng isinasagawang comprehensive preventive maintenance na naglalayong ipagbuti ang serbisyo dahil pinapalitan ang mga luma at sirang mga pasilidad kumpara umano noong panahon ng PECO na nagkakaroon ng madalas na power interruption dahil sumasabog ang mga power lines at nagkakaroon ng overloading.

“The repair and preventive maintenance works that caused the brownouts that PECO is now saying proves the inability of MORE Power to manage the city’s power system came from their own failure to invest in new capital equipment and technology which MORE Power is now solving with its preventive maintenance work,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito sinabi naman ng Iloilo City Council sa nakaraang public hearing nito na kinikilala nito ang More Power na syang nagiisa at legal na power utility sa lalawigan dahil ito ang syang may hawak ng legislative franchise mula sa Kongreso at sya ding inisyuhan ng certificate of public convenience and necessity (CPCN) ng ERC para makapag-operate bilang Distribution Utility sa Iloilo City.

 

 

 

Read more...