19-anyos na LSI na pauwi sana ng Jolo nasawi sa heart attack

Isang locally stranded individual (LSI) ang pumanaw matapos atakihin sa puso habang naghihintay ng biyahe pauwi sana sa kaniyang hometown sa Jolo.

Dumating ng Zamboanga City ang 19 anyos na lalaking LSI at mula doon ay saka siya bibiyahe sana pauwi ng Jolo.

Ayon sa pahayag ng City Government ng Zamboanga inatake sa puso ang lalaki habang nasa isang local pension house.

Dumating ng Zamboanga City ang lalaki noong June 29.

Base sa pahayag ng ama ng lalaki, mayroon itong history ng heart disease.

Ang LSI ay nananatili sa pension house kasama ng iba pang Jolo-bound residents habang hinihintay ang proseso ng kanilang pag-uwi.

 

 

Read more...