COVID-19 airborne ayon sa pag-aaral ng mahigit 200 scientists

FILE PHOTO

Nakababahala ang pag-aaral ng grupo ng mga scientist na nagsasabing airborne ang COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Dr. Anthony Leachon na hindi ito dapat balewalain at dapat seryosohin lalo na ng mga mamamayan.

Sinabi ni Leachon na mahigit 200 scientists mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang sumulat sa World Health Organization para igiit dito na iupdate ang guidelines sa COVID-19 bunsod ng pagiging airborne ng sakit.

Nangangahulugan ito ayon kay Leachon na kahit sa indoor ay kailangang magsuot ng mask.

“Paniniwalaan ko ito, dahil ang scientific paper nila ipapadala sa WHO na nagsasbaing airborne (ang COVID-19). Ang magiging implikasyon nito mas doble dapat ang pag-iingat,” ani Leachon.

Kung nasa public mass transportation mas maigi ayon kay Leachon na doble ang face mask.

Ani Leachon, kailangang kumilos ang mga lokal na pamahalaan at kabilang sa pangunahing hakbang ay tiyakin ang pamamahagi ng face masks at alcohol sa mga residente.

 

 

Read more...