LOOK: Sinimulan na ang pagsasailalim sa COVID-19 test sa lahat ng empleyado ng MRT-3

Matapos ang pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 lahat ng empleyado ng MRT-3 ay isasailalim sa COVID-19 test.

Sa pahayag ng DOTr MRT-3 lahat ng kanilang tauhan sa depot at sa mainline ay sasailalim sa COVID-19 test.

Kabilang dito ang mga tauhan ng maintenance service provider at iba pang subcontractors ng MRT.

Lahat ng sumailalim na sa RT-PCR testing ay pinayuhang mag-home quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

Habang ang mga nagpositibo na sa sakit ay nasa government quarantine facilities na sa World Trade Center, Philippine Arena, at PhilSports Arena.

 

 

 

Read more...