Ayon kay Health Expert Dr Anthony Leachon, nagdeklara ng tagumpay si Presidential Spokesperson Harry Roque sa UP projection sa COVID-19 gayong mayroon pang backlog sa datos ng Department of Health (DOH).
Dapat din aniyang maging maingat ang gobyerno sa mga deklarasyon nito, dahil ang mga sinasabi o inihahayag ng pamahalaan ay maaring makaapekto sa “behavior” ng publiko.
Ani Leachon, maaring nung nagdeklara ng “tagumpay” si Roque ay nagpakakampante na ang publiko dahil inakala nilang nananalo na ang bansa kontra COVID-19.
Hindi aniya dapat nagdedeklara ng panalo ang gobyerno lalo pa at hindi pa nga bumababa ang kaso at hindi pa nagkakaroon ng “flattening of the curve”.