Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 899 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, July 5 6PM) umakyat na sa 899 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 409 pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit.

Ang COVID-19 related deaths ay nanatili naman sa 9.

Tumaas naman ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 726 na at 1,148 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

Read more...