152 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City

Umabot na sa mahigit 6,000 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 152 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 6,141 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 3,232 ang mga gumaling na, makaraang makapagtala ng 90 na bagong recoveries.

Habang 2,908 pa ang aktibong kaso.

Nakapagtala naman ng 1 pang panibagong nasawi kaya umakyat na sa 221 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

 

 

Read more...