Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 187.80 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (July 6) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.04 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.79 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.81 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.25 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.21 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.
MOST READ
LATEST STORIES