Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 502

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, July 4), nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 502 habang 364 ang active cases.

Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 93.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 959 kung saan nakapagtala ng 29 na bagong kaso.

Read more...