Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (July 5, 3:00 PM) nakapagtala ng 56 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,019 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 740
Laguna – 947
Batangas – 362
Rizal – 790
Quezon – 180
Nasa 1,448 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng isang bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 257
Laguna – 488
Batangas – 200
Rizal – 372
Quezon – 131
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya ito ay umabot na sa 213.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 46
Laguna – 47
Batangas – 32
Rizal – 77
Quezon – 11
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay