Usec. Densing, tinamaan ng COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si DILG Undersecretary Epimaco Densing III.

Sa Facebook, sinabi ni Densing na nababantayan na ang kanyang kalusugan sa hindi binanggit na ospital.

Nagpaalala naman si Densing sa publiko na huwag pabayaan ang pangangatawan.

“Maaring bumagsak ang aking resistensya sa dami ng problema at pagdedesisyong kailangan gawin ng walang pinipiling oras na nakakaapekto sa buhay ng [nakararami],” pahayag nito.

Humiling pa si Densing sa publiko ng oanalangin para kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa bansa sa gitna ng pinagdadaanang pandemya.

Read more...