Ibabalik na ang international flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 simula sa July 8.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), magbabalik ang operasyon sa NAIA Terminal 3 simula 12:01 ng madaling-araw ng July 8.
Pansamantalang isara ang nasabing terminal ng paliparan simula noong March 28 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, ang NAIA Terminal 3 airlines ay ni-relocate sa NAIA Terminal 1 noong Marso.
Sinabi ng MIAA na ibabalik na ang mga ito sa Terminal 3 simula sa Lunes, July 6.
Lahat ng flight ng Nippon Airways (ANA), Air Aisa Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR), Singapore Airlines (SQ) and Turkish Airlines (TK) ay darating at aalis mula sa Terminal 3 simula sa July 8.
Magiging suspendido pa rin naman ang international operations ng iba pang airline carriers tulad ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways, at United Airlines.
Samantala, tuloy pa rin ang pagserbisyo ng NAIA Terminal 2 sa international arrival flights ng Philippine Airlines.
Inooperate naman ang PAL international departures sa NAIA Terminal 1.
Mananatiling naka-assign ang mga sumusunod na airline compny sa Terminal 1:
– Air China (CA)
– Air Niugini (PX)
– Asiana Airlines (OZ)
– China Airlines (CI)
– China Eastern (MU)
– China Southern (CZ)
– Etihad Airways (EY)
– Eva Air (BR)
– Ethiopian Airlines (ET)
– Gulf Air (GF)
– Hong Kong Airlines
– Japan Airlines (JL)
– Jeju Air (7C)
– Jetstar Asia (3K)
– Jetstar Japan (GK)
– Korean Airlines (KE)
– Kuwait Airways (KU)
– Malaysian Airlines (MH)
– Oman Air (WY)
– Royal Brunei Airlines (BI)
– Saudia Airlines (SV)
– Scoot (TR)
– Thai Airways (TG)
– Xiamen Air
Makakapagsagawa naman ng domestic operations at sweeper flights ang Cebu Pacific (5J), Cebgo (DG), Philippines Air Asia (Z2) at Air Swift sa NAIA Terminal 3 habang Philippine Airlines (PR) at PAL Express (2P) naman sa Terminal 2.
Ayon sa MIAA, “until further notice” pa rin ang pagsasara sa Terminal 4.
Inabisuhan ng MIAA ang publiko na i-check ang airline websites para sa iba pang anunsiyo.