Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 11,197,174 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 2,890,588 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 1,543,341 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 667,883 naman ang kaso sa Russia habang 649,889 ang napaulat na kaso sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Spain – 297,625
– Peru – 295,599
– Chile – 288,089
– United Kingdom – 284,276
– Mexico – 245,251
– Italy – 241,184
– Iran – 235,429
– Pakistan – 225,283
– Turkey – 203,456
– Saudi Arabia – 201,801
– Germany – 197,000
– South Africa – 177,124
– France – 166,960
– Bangladesh – 156,391
– Colombia – 109,505
– Canada – 105,091
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 529,197 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 6,342,850 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.