Higit 300 stranded Pinoy sa ibang bansa, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng Pilipinas ang mahigit 300 stransed Filipinos na sa tatlong bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinalubong ng ilang tauhan ng kagawaran ang pagdating ng mga Filipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagmula ang kabuuang 343 stranded Filipinos sa Maldives, Sri Lanka at Singapore.

Sinabi ng kagawaran na patuloy silang tutulong sa mga overseas Filipino na nais umuwi ng Pilipinas kasabay ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Read more...