Kaso ng COVID-19 sa Parañaque City 1,147 na

Nakapagtala pa ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.

Hanggang araw ng Biyernes (July 3) ng gabi umabot na sa 1,147 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 294 ang aktibong kaso, habang 793 naman ang gumaling na.

Mayroon namang 60 na pumanaw sa lungsod dahil sa sakit.

Narito ang bilang ng mga aktibong kaso sa mga barangay:

Baclaran – 11
Don Galo – 3
La huerta – 20
San Dionisio – 20
San Isidro – 19
Sto Niño – 15
Tambo – 33
Vitalez – 1
BF Homes – 47
Don Bosco – 10
Marcelo Green – 15
Merville – 6
Moonwalk – 14
San Antonio – 23
San Martin De Porres – 7
Sun Valley – 30
Unknown barangay – 20

 

 

Read more...