COVID-19 ER ng Rizal Provincial Hospital System – Antipolo Annex 2 pansamantalang isasara

Pansamantala munang isasara ang COVID-19 Emergency Room ng Rizal Provincial Hospital System – Antipolo Annex 2 sa Brgy. Dalig, Antipolo City.

Ang pagsasara ay simula bukas, July 4 hanggang sa Linggo July 5.

Maliban sa ER, isasara din pansamantala ang Radiology Section upang magsagawa ng dinsinfection at decontamination.

Ayon sa Antipolo City LGU, ito ay makaraang may maitalang dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ang COVID-19 ER services ay muling magbabalik sa Lunes, July 6, 2020.

Ayon sa City Government ang COVID ER at Radiology lang ang pansamantalang isasara at hindi ang buong ospital.

 

 

Read more...