Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 379

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, July 3 ) pumalo na sa 379 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 11 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 167 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 31.

Nasa 181 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit kung saan 8 ang bagong nadagdag.

 

 

Read more...