Malakanyang itinanggi ang ulat na binawalan ng AFP si Pangulong Duterte na magtungo sa Sulu

Itinanggi ng Malakanyang ang ulat na hindi pinayagan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtungo sa Sulu.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hindi naman talaga kasama sa schedule ni Pangulong Duterte ngayong araw, July 3 ang pagtungo sa Sulu.

Base aniya sa schedule ng pangulo, ito ay sa Zamboanga City lamang magtutungo.

At ang pulong ng pangulo sa AFT at sa PNP at sa Zamboanga City at hindi sa Sulu gagaawin.

Iginiit ni Roque na hindi bahagi ng itinerary ng pangulo ang Jolo, Sulu.

 

 

Read more...