GSIS may Educational Subsidy 10,000 college students

Kukuha ng 10,000 college students ang GSIS para maging beneficiary ng kanilang Educational Subsidy Program (GESP).

Ayon sa GSIS, pwedeng mag-apply para dito ang mga aktibong GSIS members na mayrong Salary Grade 24 pababa.

Kailangan ring walang unpaid o underpaid na utang ng higit sa 3 buwan.

Ang GSIS member na kwalipikadong mag-apply ay pwedeng inominate ang kanilang dependent na nasa kolehiyo at kumukha ng 4 to 5 years course.

Kailangan din na naka-enroll ito sa paaralang kinikilala ng CHED at hindi tumatanggap ng scholarship o subsidy mula sa pribado o pampublikong ahensya.

Ayon sa GSIS, P10,000 subsidy ang tatanggapin ng kwalipikadong estudyante.

Sa September 15, 2020 ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon.

 

 

Read more...