Metro Manila, Bulacan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:55 ng hapon ng Biyernes, July 3 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Bulacan.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Ternate, Maragondon at Magallanes sa Cavite; Nasugbu, Batangas; San Pablo, Rizal, Calauan, at Nagcarlan sa Laguna.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

 

Read more...