Pinayagan na ng pamahalaan ang practice o training para sa basketball at football.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon ng Philippine Sports Commission at ng Games and Amusements Board (GAB) upang payagan na makapag-resume na ng practice ang para sa basketball at football.
“Pinayagan po yung practice and conditioning ng basketball at saka ng football sang-ayon po sa request ng PBA at ng ibang mga football associations,” ani Roque.
Sa ilalim ng anukala ng GAB, limitado ang pagpa-practice sa limang tao sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) habang hanggang 10 naman sa mga lugar na nasa modified GCQ.
Simula noong March 11 ay inihnto na ng PBA ang kanilang season dahil sa pandemic ng COVID-19.