LOOK: Mga kabataang nagjo-jogging dagsa tuwing umaga sa isang subdvision sa Montalban, Rizal

Tuwing umaga dumadagsa sa isang subdivision sa Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ang mga mag-eehersisyo.

Tila normal at mistulang walang umiiral na quarantine measures sa pagtitipon ng mga nagjo-jogging kada araw.

Ang lalawigan ng Rizal ay nananatiling nakasailalim sa general community quarantine.

Sa kuha ng isang residente sa subdivision, kita ang pagtitipon ng makapal na bilang ng mga tao.

Karamihan sa kanila mga kabataan na pawang wala pang suot na face mask.

Sa ilalim ng guidelines sa GCQ ang mga edad 21 pababa ay hindi pa pinapayagang lumabas ng bahay.

 

 

 

 

 

 

Read more...